It's more fun in the Philippines
     LUGAR      KASUOTAN      TRADISYON

Lugar

Sa mahigit pitong libong isla, tila malulula ka na sa dami ng magagandang lugar sa Pilipinas. Mula sa mga nagpuputian at pinong-pinong buhangin sa dagat hanggang sa mpga makalaglag-pusong ganda ng mga lagoon, hindi ka mauubusan ng pasyalan sa Pilipinas.







Kasuotan

Ang pinakatanyag na mga damit na naging malaking bahagi ng pagkakakilanlan ng Pilipino ay ang Barong Tagalog para sa mga kalalakihan at ang Baro't Saya para sa mga kababaihan. Ang istilo ng damit ng Pilipino ay naimpluwensyahan ng mga Kastila nang masakop ang Pilipinas mula 1565 hanggang 1898. Matapos ang panahon ng pananakop ng Espanya, patuloy itong nagbabago at nasubok ng panahon.

Ang kasaysayan ng Barong o Barong Tagalog ay mula sa pre-kolonyal na panahon, Ang mga katutubo ay nagsuot ng lapat na manggas-doublet na gawa sa koton na tinatawag na canga. Ang kulay ng doublet ay tumutukoy sa kanilang katayuan sa lipunan, pula para sa mga pinuno, puti o itim para sa mga karaniwang tao. Ito ay pinaniniwalaan na pinilit ng mga Kastila ang mga katutubong Pilipino na magdisenyo ng isang transparent na pang-itaas na damit, na walang bulsa upang maiwasan ng mga ito na magtago ng mga armas at maihiwalay sila sa mga taong nasa kapangyarihan







Tradisyon

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. Ilan lamang sa mga tradisyon at nakasanayan ng mga Pilipino ay ang pagmamano sa nakakatanda, pagkompleto ng simbang-gabi, pagbabayanihan, mga pista at iba pang kaugalian na nagpapayabong ng kulturang Pilipino







GALERYA NG KULTURA by Monica Sayon